PRODUKSYON
Ang
Mahalagang Salik ng Produksyon
Ang
Lupa
- Lupang agrikultural – mga lupang pansakahan
- Moratorium – isang legal na awtorisasyon na nagbibbigay-palugit sa may utang na ipagpaliban ang panahon ng pagbayad.
- Repormang pansakahan – pagbabago sa kalakaran sa lupa na may kaugnayan sa pagmamay-ari nito at suportang kailangang ilan sa mga magsasaka.
Ang lupa ay isang mahalagang salik ng
produksyon dahil dito nagmumula ang lahat ng hilaw na materyales na kailangan
sa pagbubuo ng mga kalakal. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa.
Tinatamnan ang lupang agrikultural ng mga palay, mais, abaka, tubo, niyog, mga
halamang-ugat, at sari-saring gulay at prutas.
Sa ating
bansa, naging suliranin na ang pagmamay-ari ng lupang agrikultural dahil sa
hinahangad na repormang pansakahan ng mga magsasakang Pilipino. Matatandaan sa
kasaysayan ng Pilipinas, mula sa panahon ng pananakop ng mga dayuhang
kanluranin, na nagkaroon na ng malawakang pangangamkam ng mgalupain ng ating
mga ninuno ay isinagawa pang legal sa pamamagitan ngpagrerehistro ng mga ito sa
pangalan ng mga makapangyarihan o maimpluwensyang tao ng mga panahong iyon.
Nang
makamit natin ang kasarinlan ng Republika ng Pilipinas, sinikap ng mga naging
pangulo ng bansa na magkaroon ng mga
reporma sa lupa. Sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, inilabas niya
ang Presidential Decree bilang 2 na kung saan inilagay niya ang buong
bansa sa ilalim ng Reporma sa Lupa. Inilabas din niya ang Presidential
Decree bilang 27 na kung saan hinahangaad niyang mapalaya ang mga magsasaka
sa pagkakaalipin mula sa kanilang mga panginoong maylupa.
Nang
magtagumpay naman ang EDSA People Power Revolution noong 1986, nilagdaan ni
dating Pangulong Corazon Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
noong 1988. Layunin ng CARP na makapaglaan ng isang dalisay na repormang
pang-agraryo para sa mga magsasaka. Gayunman, hindi naging ganap na matagumpay
ang programang pang-agraryo na ito dahil marami pa rin magsasaka ang hindi
nabahaginan ng kanilang sariling lupa.
Bukod
dito, maraming lupang pansakahan naman ang unti-unting nabawasan dahil sa
kombersyon ng mga ito sa pagiging pook residensyal at mga golf course o
resort.
Nang
matapos ang bisa ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) noong 2008,
pinirmahan naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang CARP Extension
with Reforms (CARPER) Law nitong agosto 2009.
Ito ay
bilang pagdaragdag ng limang taon pa sa naunang batas, nang sa gayon ay
maisulong pa ang repormang pang-agraryo sa mga magsasaka.
Kaya
naman ang suliranin sa lupang pansakahan at pang-agraryo ay dapat na
pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan. Sa gayon, ang lahat ng kikitain ng isang
magsasaka ay sasapat para sa pamumuhay ng kanyang pamilya.
ANG
PAGGAWA
• paggawa- pinakamahalagang salik ng
produksyon na binubuo ng mga taong may kakayahang pisikal at mental sa pagbubuo
ng mga kalakal at serbisyo.
• kontraktwal na manggagawa- manggagawang nakasalalay sa
kontrata ang itinatagal sa serbisyo.
• regular na manggagawa- manggagawang
sumasahod ng regular at maaaring permanente sa trabaho.
Itinuring
na pinakamahalagang salik ng produksyon ang paggawa. Ito ay dahil mawawalan ng
halaga ang mga hilaw na materyales kung wala namang lilikha ng mga ito na
gagamitin bilang mga puhunang kalakal o produkto. Kakailanganin ang kakayahan
at kasanayan ng lakas-paggawa upang magkaroon ng maraming produksyon.
Upang magkaroon naman ng
produktibong kasapi ng lakas-paggawa, kailangang magtamo sila ng sapat at
wastong edukasyon. Ito ang isang tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan, nang
sa gayon ay magkaroon ang ating bansa ng matatalinong mamamayan o manggagawa na
lilinang ng mga likas na yaman para sa kagalingang panlahat.
Gayunman, hindi sapat na edukasyon
lamang ang bibigyang-pansin ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mga produktibong mamamayan. Kailangan pagtuunan din ng pansin ang
kanilang kalusugan at puhunang pinansyal. Dapat na nakakakain ng
masusustansyang pagkain ang mga mamamayan at nakatatanggap ng iba pang
benepisyo para sa mabuting kalusugan. Tandaan na ang mahinang pangangatawan ay
maaaring magdulot ng mahinang kaisipan. Kapag malaki ang bahagdan ng
populasyong may ganitong kalagayan. Anong uri ng manggagawa mayroon ang bansa?
Samantala, pinangangalagaan din ng
pamahalaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa. Nakasaad sa Kodigo
ng Paggawa (Labor Code) ng Pilipinas ang mga karapatan ng mga manggagawa. Ilan sa mga probisyon nito
ay may kinalaman sa pagtanggap ng mga bagong empleyado, mga kalagayan ng mga
manggagawa (kasama na rito ang kanilang kaligtasan at kalusugan), at mga
pagwawakas, pagbibitiw sa trabaho, at pagreretiro ng mga manggagawa.
Maaaring uriin sa tatlo ang katayuan
ng mga bagong manggagawa o empleyado-kontraktwal, regular, at pamanahon.
Nakasalalay lamang sa kontrata ang katayuan ng isang bagong manggagawa, subalit
nagiging regular naman siya kung nagtatrabaho nang maayos. Ang isang manggagawa
ay dumadaan din sa pagiging probationary bago maging regular sa
trabaho. Kapag ang isang manggagawa ay regular na, nakatatanggap siya ng
benepisyo na makatutulong sa kanilang pamumuhay. Samantala, may mga manggagawa
na pamanahon o nakadepende ang kanyang hanapbuhay sa panahon tulad ng
Kapaskuhan o panahon ng anihan lamang.
Nakatala rin sa Kodigo ng Paggawa na
walong oras lamang ang pagtatrabaho ng isang manggagawa sa loob ng isang araw.
Kapag nag- overtime naman sa paggawa, kailangang may karagdagang
kompensasyon o bayad siya sa kanyang regular na sinasahod. Sa mga taong
pumapasok sa trabaho ng gabi, dapat siyang tumanggap ng 10% dagdag na bayad
mula sa regular niyang sahod.
May araw rin ng pamamahinga
(restday) ang mga manggagawa, tulad ng mga regular o legal at special holidays.
Kapag siya ay pinagtrabaho sa araw ng kanyang pamamahinga, kailangang bayaran
siya ng kaukulang karagdagang bayad na naaayon sa batas para sa araw na iyon.
Ang Kapital
Imbentaryo-
Mga uri ng
kalakal at hilaw na materyales na hindi naipagbibili o nabibibili
Interes-
Bayad sa
Hiniram o ipinangnegosyong kapital
Maaring uriin ang kapital batay sa mga
sumusunod:
1. Kagamitang matibay (durable na ginagamit sa
negosyo
2. Imbentaryo, mga hilaw na materyales, at
Kakailanganin sa produksyon.
3. Estrukturang residensyal at komersyal, kasama
na ang mga pagawaan at bahay kalakal.
4. Mga imprastruktura na kailangan sa
pangkominakasyon, pantransportasyon, at pang-elektrisidad.
Batay sa
mga nabangit, hindi taglay ng ating bansa na magkaroon ng sariling kapital,
lalo na sa makinarya, upang gamitin sa pagpapabuti ng produksyon.
Entreprenyur
Itinuturing na kapitan ng mga salik ng produksyon
na siyang nangangasiwa,nagpapaptakbo, at lumilikha ng mga bagong kaisipang may
kaugnayan sa produksyon.
Kooperatiba
Isang samahan ng mga taong ang layunin ay kapakinabangan
ng mga kasapi kaysa sa kita ng kanilang negosyo
. Konsyumerismo
Isang pag-uugali
na kaakibat ng pagtugon sa mga personal na kasiyahan sa pagbili ng mga bagay na
materyal.
Korporasyon
Binubuo ng pangkat ng mga tao na
nagkakasundong pagsamahin ang kanilang mga kaalaman at puhunan sa pagnenengosyo
. Network Marketing o Networking
Isang uri ng marketing ng mga produkto na
idinadaan sa mga sanga-sangang ugnayan ng pagpapakilala at pagbebenta ng mga
produkto.
Saping-Puhunan
Tinatawag ding stocks na isinasagawa
sa pamamagitan ng paglalagak ng salaping puhunan sa isang negosyo at
nagsisilbing kasapi ng negosyo.
Sole Proprietorship
Isahang pagmamay-ari ng negosyo
Sosyohan
Itinuturing na partnership at binubuo
ng dalawa o higit pang magkasosyo Isang mainam na gawain ang pagnenegosyo sa
bansa dahil sa gawi at ugali ng mga Pilipinosa konsyumerismo. Kung marami ang
mamimili, marami rin ang naghahangad na
matumbasan ito ng maraming prodyuser. Ito ang uri ng pamilihang ganap at
may kalayaan
Ang Entreprenyur
Ang tagumpay ng mga prodyuser ay nasa husay
ng kanyang pagiging entreprenyur.Maihahambing ang entreprenyur sa isang kapitan
ng barko na kung saan nakasalalay sa kanya ang direksyong tatahakin ng barko
pati ang kaligtasan ng mga taong nakasakay rito.Tinatawg ding utak ng negosyo
ang entreprenyur dahil siya ang nagpapasya at nag-uugnay sa tatlong salik ng
produsyon. Kailangang taglay ng isang
entreprenyur ang pagiging malikhain, makatarungan, may matalinong pagpapasya,
may angking lakas at katatagan ng loob sa pagpapatakbo ng negosyo, at gayundin
aybukas dapat siya sa mga kaisipan sa larangan ng pagnenengosyo .
Uri ng Pagnenegosyo
- Isahang Pagmamay-ari (Sole Proprietorship)
Sa negosyo ito, iisang tao o pamilya lamang
ang nagmamay-ari. Madali itong itatag at maaaring maliit lamang ang puhunan.
Ang pagpapasya sa pagpapatakbo ng negosyo ay nasa isang may-ari lamang. Ang
halimbawanit ay ang sari-sari opamilihan na pagmamay-ari lamang ng isang tao o
pamilya. Dahil sa maliit lamang ang puhunan at limitado rin maging ang
pinagkukunang-yaman, may kabagalan ang paglago sa negosyong ito.
2. Sosyohan
(Partnership)
Binubuo ito ng dalawa o higit pang tao na
magkasosyo sa negosyo. May kasunduan ang mga magkasosyong may-ari ng negosyo
batay sa kapital at kakayahan. Higit na mainam ang sosyohan kaysa sa isahang
pagmamay-ari kung pagbabatayan ang laki ng puhunang magagamit sa negosyo.
Nalilinlang ng mga kasosyo ang pinagkukunang-yaman ng kanilang negosyo at
nababatayan ang mga tungkuling nakaatang sa bawat isa. Gayunpaman, hindi
nawawala na maaring magkaroon ng alitan sa pagitan ng magkasosyo sa sandaling hindi nagustuhan ng
isa ang uri ng pangangasiwa sa kanilang negosyo. Ang isang sosyohan ay dapat
ipatala sa tanggapan ng Securities and Exchange Commision (SEC), isang ahensya
ng pamahalaan na kumikilala atnagpapatupad ng ilang patakaran sa pagpapatayo ng
anumang korporasyon o organisasyon sa bansa.
3.
Korporasyon
Higit na malawak sa sosyuohan ang korporasyon
dahil ang magkakasama at nagmamay-ari ng negosyo ay pangkat ng mga tao. Ang
kasunduan aynasa pagsama-sama ng puhunan at kaalaman sa pagnenegosyo ng mga
taong ito. Tinatawag na stocks o saping puhunan ang kanilang bahagi
ososyo sa negosyo. Ang kanilang stockholder ( tawag sa mga mayroong
saping-puhunan) ang pumipili ng kanilang tagapangasiwa upang magpatupad at
mangasiwa ng kanilang mga nabuong patakaran para sa kanilang negosyo. Ang korporasyon ay kinakailngan may
sariling karta (by-laws) na susundin ng mga kasapi nito.Katulad ng sosyohan,
kailangan ding nakarehistro ang korporasyon sa SEC. Mas kumplikado ang pagpapatakbo ng isang
korporasyon. May sarili itong personolidad na maaaring makipag-transaksyon at
umutang sa mga institusyong pinansyal.
Pagdating naman sa pananagutang legal, limitado lamang sa stock. Ang
pagdedesisyon ay nakasalalay naman sa dami o laki ng stocks mayroon ang
isang stockholder. Hindi
basta-basta lamang ang pagpapasya sa anumang isyu o proyektong ilalabas
ng korporasyon dahil marami ang kasapi nito. Mahalaga pa rin ang boto ng mga
kasapi upang maging patas ang anumang desisyon para sa lahat.
Kooperatiba
Ang kooperatiba ay ay
isang isang rehistradong samahan na binubuo ng hindi bababa sa 15 kasapi na ang
layunin ay at interesay upang makamit ang ang kagalingang panlipunan at
pangkabuhayan. Layunin ng kooperatiba na matulungan ang mga kasapi nito na
magkaroon ng maayos na kabuhayan.
Sa pagsulong ng kooperatiba, mahalagang
nagtutulungan ang mga kasapi nito upang magtagumpay ang kanilang organisasyon.
Ipinagkakatiwala ang proseso ng pamamahala ng kooperatiba sa board of
directors.
Ang board of directors ay binubuo ng mga
taong inihalal ng mga kasapi ng kooperatiba na isinasagawa sa pangkalahatang
pagpupulong taun-taon.
Isa sa mga tungkulin ng board of directors
ay gumaw a ng mga patakaran para pangasiwaan ang napiling negosyo ng mga
kasapi.
Maliit lamamang ang puhunan ng kooperatiba
dahil nakabatay ito sa napagkasunduang kapital. Gayunman ang pagpapasya sa anumang isyu o suliranin sa kooperatiba ay
dumadaan sa isang maayos na botohan. Gaano man kalaki ang stocks ng
kasama sa kooperatiba, isang boto lamang ang
bibilangin sa kanya.
Kahalagahan ng Entrepreneurship
Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
entrepreneurship sa bansa. Ito ay isinasama na sa kurikulum pansekundarya at
pangkolehiyo. Ito ay upang magtamo ng kasanayan at kakayahan ang mga kabataan
sa larangan ng pagnenegosyo.
Malaki rin ang naitulong ng mga entreprenyur
sa pagpapaunlad ng mga pangangailangang lokal ng bansa. Gayundin, may kakayahan
ang mga entreprenyur na pasiglahin ang kalakalan sa loob at labas ng bansa. Kaugnay
nito, maraming maitatayong industriya at malilikhang trabaho para sa mamamayang
Pilipino.
Pagpapatatag
ng Ekonomiya
sa Tulong ng Produksyon
sa Tulong ng Produksyon
Ang
Production Function
Mahalagang
maunawaan na ang konsepto ng production function ay may kinalaman sa kung paano
magagamit nang husto ang mga salik ng produksyon. Ang production function ay
ang relasyon ng input at output sa produkto o ang kabuuang dami ng nagawang
produkto. Ang relasyong ito ay maaaring uriin sa mga sumusunod:
- Hindi nagbabagong balik sa proporsyon (constant return to sale)- ang sitwasyon kung saan ang dami ng karagdagang input ng produksyon ay inaasahang magbubunga ng parehong dami ng produkto. Ang sitasyong ito ay karaniwang makikita sa sektor ng agrikultura: kung gaano karami ang itinanim ay ganoon din karami ang aanihin; kung gaano karami ang inalagaang hayop ay ganoon din dami ng maaaring maipagbibiling hayop.
- 2. Pataas na proporsyon (increasing ruturn to scale)- ang sitwasyon kung saan ang dami ng karagdagang input ng produksyo ay maaaring magbunga ng higit pa sa inaasahang dami o output. Halimbawa, kapag ang isang teknolohiya ng awtoridad ay ginagamit sa loob ng pabrika, maaaring asahan na ang output ng isang manggagawa ay dodoble o mahigit pa.
- 3. Pababang proporsyon (decreasing return to scale)- ang sitwasyon kuns saan ang karagdangang dami ng input ng produksyon ay magkakaroon ng negatibong epekto sa dami ng output. Ang sitwasyon ito ay maaaring ring makita sa sektor ng agrikultura kung saan ang pagdaragdag ng dami ng tubug sa irigasyon ay magdudulot ng pagkalunod ng mga pananim. Dahil dito, maaaring mababa ang dami ng output o aning aasahan ng magsasaka.
Ang bawat kumpanya o negosyo ay may kanikaniyang proseso ng paggawa at
ang bawat isa ay may sinusunod na production function.
Ang bawat kumpanya o negosyo ay may kanikaniyang proseso ng paggawa at
ang bawat isa ay may sinusunod na production function.
Ang
Lubos na Paggamit ng Kita
Ang pangunahing layunin ng bawat kumpanya
ay mapaunlad at mapalago ang negosyo at maranasan ang lubos na paggamit ng kita
o tinatawag na profit maximization. Sa pag-aaral ng profit maximization,
gagamitan dito ang pagbabawas ng total revenue sa total cost (o TR- TC)
approach na kung saan ang TR ay ang kabuuang kita ng kumpanya at ang TC ay ang
kabuuang gastos naman ng kumpanya.
Narito ang
iba’t ibang uri ng gastusin ng isang kumpanya sa paggawa ng produkto
1. Pirming
gastos (fixed cost)- ang gastusin ng isang kumpanya na hindi nagbabago
kahit na tumaas o bumaba ang produkson. Kabilang dito ang upa sa gusali o
pabrika, mga gastos sa pamamaraan o estratehiya sa pangangalakal ng produkto,
upa sa mga manggagawa, at depreciation cost.
2. Nagbabagong
gastos (variable cost)- ang gastusin
ng kumpanya na nagbabago batay sa pagtaas o pagbaba ng produskyon. Kasama naman
dito ang mga konsumo sa kuryente at tubig at ang dami ng mga hilaw na
materyales (raw materials) sa paggawa.
3. Kabuuang
gastos (total costs)- ito ang pinagsamang halaga ng pirming gastos at
nagbabagong gastos. Kabilang dito ang sweldo ng mga manggagawa, upa sa gusali
at lupa, interes sa kapital, at tubo ng negosyante.
• Samantala, isa pang paraan ng
pag-alam ng punto ng profit maximization ay ang sitwasyon kung saan ang
presyo ngbilihin aykatumbas ng marginal cost(MC) at marginal revenue (MR) o MC
= MR. Ang MC ay ang dahilig ng TC at ang MR ay sa TR naman . Upang maunawaan
ito, balikan ang talahanayan tungkol sa kumpanyang gumagawa ng sapatos. Sa
presyong 400php kada pares ng sapatos, mapapansin na sa 6 na pares, magkakaroon
ng pare-parehong presyo( P=MC=MR).
• Ang sitwasyong nabanggit ay
nagpapahiwatig na nagkaroon ng profit maximization ang kumpanya (tingnan
ang talahanayan 22). Ayon sa profit maximizing rule , sa short run ng
kumpanya, ang karagdagang dami ng produkto ng kumpanya ay nagiging makabuluhan
kung magbubunga ito ng karagadagang kita.
ANG BREAK-EVEN POINT at ANG SHUTDOWN POINT
• Sa produksyon, hindi lamang
pagpapalaki ng kita at pagpapalit ng gastos ang kailangang desisyunan ng isang
entreprenyur o negosyante. Kailangan din niyang harapin ang hamon kung siya ay
magpapatuloy o titigil sa produksyon. Ito ay dahil sa kailangan niyang
isa-alang-alang ang mga presyo ng bilihin at mga salik ng produksyon ng sa
gayon ay maiwasan ang pagkalugi ng kumpanya. Sa bahaging ito , mainam na
maunawaan ang break-even point at shutdown point.
• Ang break-even point ay ang
sitwasyon kung saan ang kita ng kumpanya ay sapat lamang upang igugol sa mga
pirming gastos. Ito ang punto kung saan nagtatagpo ang kurba ng TC at TR. Sa
graph 19 makikita ang dalawang break-even point ng isang kumpanya.
Sa dalawang
break –even point na ito, maari pang magpatuloy ang kumpanya sa produksyon sa
loob ng maikiling panahon( short run) . Ibig sabihin, kapag ang kita ng
kumpanya ay sapat lamang sa pirming gastos (FC), maari pa itong magpatuloy sa
produksyon
Sapagkat
may posibilidad na bumuti ang sitwasyon sa merkado.
Samantala, kung titigil at
magsasara naman ang kumpanya, magiging mahirap para sa negosyante na mabalik sa
dati niyang estado dahil mawawala ang kanyang mga parokyano( customer) at
maaring makahanap na rin ng ibang trabaho ang mga manggagagawa nito. Sa
pagtingin sa break-even point may nakukuha ring pakinabang ang negosyante
subalit hindi lamang ito nakikita nang tahasan.
Forms of
Utility
1. Elementary Utility. Ito ang anyo ng produksyon na hindi na
kailangan dumaan sa kahit na anong prosesong gawa ng tao. Isa itong produkto na maari na kaagad
pakinabangan ng tao tulad ng prutas at gulay.
Tinatawag din itong natural utility.
2. Form Utility. ITo namann ang mga hilaw na sangkap, mga
bagay na nagmula sa natural utility subalit hindi sapat ang
kasiyahangnidudulot nito sa tao kung kaya kailangan sumailalim sa isang proseso
upang magbago ang anyo.
HALIMBAWA:
Trosong
nagiging kasangkapan, papel, butil na ginagawang harina
3. Time Utility. Ito ang mga produktong ginawa sa angkop
na panahon.
HALIMBAWA:
Halu-Halo
Lugaw
- Service Utility. Ito ang anyo ng produksyon na maari lamang ipagkaloob ng tao.
Halimbawa:
Serbisyo
ng:
Abogado,
Doktor, Drayber, at iba pa.
5. Possession of Ownership Utility. Ito naman ang anyo ng produksyon kung saan
hindi na kailangan pang baguhin ang isang produkto subalit kailangan ipagbili
sa isang tao higit na nakikinabang.
Halimbawa:
Alahas
- Place Utility. Ito ang anyo ng produksyon sa isang tanging lugar. Ipagbibili ito sa pook na may kakulangan.
Halimbawa:
Pag angkat ng Pilipinas ng
Langis
TALA-EkONOMikS
Break even point- sitwasyon kung saan ang kita ng
kumpanya ay sapat lamang upang igugol sa mga pirming gastos.
Constant return to scale
sitwasyon kung saan ang dami ng karagdagang
input ng produksyon ay inaasahang magbubunga ng parehong dami ng produkto.
Decreasing return to scale
sitwasyon kung saan ang karagdagang dami ng
input ay magkakaroon ng negatibong epekto sa dami ng output; ang inaasahang
dami ay mas kaunti.
Increasing return to scale
sitwasyon kung saan ang dami ng karagdagang input ay maaaring magbunga
ng higit pa sa inaasahang dami ng output.
Maikling panahon
panahon ng produksyon kung saan ang
prodyuser o negosyante ay may limitadong kakayahan na tumungin sa mga pagbabago
sa presyo at sa salik ng produksyon.
pirming gastos
gastusin ng isang kumpanya na hindi
nagbabago kahit tumaas at bumaba ang produksyon.
Production function
relasyon sa paitan ng input at output o kabuuang dami ng nagawang
produkto.
profit maximization
sitwasyon kung saan ang presyo ng kalakal ay
katumbas ng marginal cost at marginal revenue.
Shutdown point
ang punto kung saan ang kita ng kumpanya ay
kulang pa upang ipanustos sa mga pirming gastos nito.
total revenue
kabuuang kita ng kumpanya sa pagbenta ng
produkto sa tanging presyo.
maraming salamat po :) nakatulong po sya para sa assignment ko.Sna marami pa pong post about economics.Thanks po tlaga!and God bless :))
ReplyDelete